Derek, namanhikan na kina Ellen

September 14, 2021

Finally, namanhikan na ang aktor na si Derek Ramsay sa pamilya ng aktres na si Ellen Adarna at nagkakilala na rin sa wakas nang personal at nakapag-bonding na ang nanay nina Derek at Ellen base na rin sa isang video na ipinost ng aktor sa social media.

Sa Siargao ang lugar na makikita sa video at ang pamamanhikan ay dinaluhan din ng ilang kapamilya at kaanak ng celebrity engaged couple.

Unang nag-post si Ellen ng video sa kanyang Instagram Stories, kung saan makikitang masayang nagba-bonding ang nanay nila ni Derek na sina Remedios Ramsay at Meriam Go-Adarna.

“My mom is 56, and Tita is 73. And my mom is drinking buko juice and tita is gangster. My mom is boring!” ang birong pahayag ni Ellen na maririnig sa background ng kanyang video.

Ni-repost naman ito ni Derek sa kanyang IG Stories gamit ang hashtag na #mamanhikan.