Angel Locsin, may tips sa pagpapapayat

October 1, 2021

Marami ang nagulat at talaga namang napahanga nang ipakita ng aktres na si Angel Locsin ang kanyang back-in-shape na katawan at siyempre, marami ang na-inspire sa malaking improvement ng aktres pagdating sa kanyang fitness journey.

Katunayan, nag-viral ang larawan ni Angel kung saan ipinakita niya ang laki ng ibinawas sa kanyang timbang at seksing-seksi na uli ang aktres.

Alam ni Angel na talagang mahirap ang pagdaraanan ng isang nagpapapayat, kaya naman may message siya sa mga nais ma-improve ang kanilang pangangatawan.

“Hello everyone! About my recent post that became viral, first, I want to say that knowing how to pose the right way can help you look slimmer. I think everyone who posts ootd’s or watched Top model knows this. So for those struggling to lose that extra weight, please don’t feel pressured. I tell you that I understand that it’s not easy, having been fighting weight gain for years. Pressure did not and will not help. Just take your time. Your body, your rules. Just don’t forget to love every inch of you in the process, no matter what other people may say. You are more than your weight or how you look,” sabi ni Angel.

Dagdag pa niya, bagamat aminado siyang pumayat na siya ay nasa isip pa rin niya na work in progress pa rin ang katawan.

“Though I feel good now. I’ve been taking care of my health and trying out something new. I will share with you my process and journey some other time, when I’m more confident na. But this is not without struggles and bumps. I will not let anyone dictate my pace. But I am looking forward to what I can achieve in the next 3 months or so,” saad ni Angel.

Para sa aktres na tinagurian ring real-life Darna, ang pinakaimportante sa lahat ay kung ano ang pakiramdam at tingin mo sa sarili mo at huwag na huwag mong hahayaan na makaapekto sa ‘yo kung anuman ang sinasabi ng iba.

Tsuk!