Booster shot benefits, pinag-aaralan

The CDC has approved a COVID booster shot for people over 65.

October 1, 2021

Inihayag ng ilang mga health experts sa bansa na pinag-aaralan pa rin nila ang posibilidad nang pagbibigay ng booster shots laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa gitna nang banta ng nakamamatay na sakit.

Ayon kay infectious disease expert Dr. Edsel Salvana, pinapayagan na sa bansang America ang pagbibigay ng booster shot sa kanilang vulnerable population at nakita umano ang pagbaba ng bisa ng mga bakuna kontra COVID-19 dahil sa mga variant of concern, lalo na ang Delta variant.

“For instance sa Israel, yung Delta parang bumaba yung clinical efficacy versus symptoms ng Pfizer down to 30 to 40 percent, bagama’t mataas pa rin yung protection against severe disease. Sa ngayon, pinag-aaralan pa kung kinakilangan talaga o kung mas magandang gamitin yung tinatawag na reformulated na mga bakuna,” saad ni Salvana.

Ito aniya ang mga bakunang dinadagdagan ng antigen o proteins laban sa Delta o ibang variants of concern.

“Pinag-aaralan na po ito, ang they are already in clinical trial,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Salvana na wala pang ebidensiya na makatutulong ang booster shot, subalit ang bawat bakuna ay patuloy naman sa pagbibigay ng proteksiyon laban sa pagkakasakit nang malubha.

“Pero meron breakthrough infection. And to address breakthrough infection, I think we will need yung reformulated vaccine. So hindi po makakadadgag yung third dose. Doon siguro sa mahinang immune system, mga matatanda na talaga, ‘yun ang pinag-aaralan, pero walang klarong ebidensiya para dito po,” ani Salvana.