Ellen Adarna, rumesbak sa bashers

October 1, 2021

Palaban at walang kiyemeng niresbakan ni Ellen Adarna ang mga bashers niya sa social media na patuloy na nag-nenega sa relasyon at nalalapit na kasal niya sa aktor na si Derek Ramsay.

Kasi naman, kahit super excited na ang kanilang respective families at mga kaibigan in and out of showbiz sa kanilang pagpapakasal, marami pa rin ang patuloy na bumabash sa kanila kahit turning nine months na nga sila as a couple.

At habang abangers nga ang publiko kung matutuloy ang kasal nila bago matapos ang taon, tuluy-tuloy lang ang engaged couple sa pagbabahagi nila sa social media ng mga kaganapan sa buhay nila as live-in partners.

Kahapon lang, muling nag-post si Ellen sa Instagram ng video ni Derek na kakagising lang. Sey ng celebrity mom sa dyowang aktor, “Love, you’re so handsome.”

Ito naman ang inilagay niyang caption sa kanyang video post, “Fiance Appreciation Post (smiling face with heart-eyes, zany face emojis) @ramsayderek07 shet, my hormones (face with tears of joy emoji).”

Kilig na kilig naman siyempre ang hunk actor habang kinikiliti ng kanyang future wife.

Sa comment section, maraming netizens ang nagsabi na bagay na bagay daw talaga ang engaged couple at sana raw ay magkaroon na rin sila ng baby dahil siguradong magiging instant celebrity din ito.

At siyempre, meron pa ring basher, na nagcomment ng “Tanda na di na bagay sayo derik pa cute kalbo!”

Pero hindi inurungan ni Ellen ang basher.

“Mukha ka din naman matanda ah… di na rin bagay sayo maki alam and humanash bakit, cute ka? ganda ka???!!!” sabi ni Ellen.

Isang follower ni Ellen ang nag-IG Story sa pambabasag ng aktres sa hater. Sey nito sa caption, “Hahaha that’s why iloveyou @maria.elena.adarna.”

Ni-repost din ni Ellen ang caption niya sa kanyang IG account at sinabing, “Tingin tingin din cya sa mirror pag may time.”

Tsuk!