Heart, inokray ng designer?

October 1, 2021

Kahit pala narating na ng aktres na si Heart Evangelista ang pagiging isang sikat na fashion icon sa bansa, mayroon pa rin palang ilan na talagang umookray sa kanya.

Sa kanyang pinakabagong vlog, inamin ng misis ni Sorsogon Governor Chiz Escudero na may isang Filipino fashion designer na patraydor na nang-ookray sa kanya at talaga namang may nasasabing masama sa kanya ang nasabing designer, partikular sa mga isinusuot niyang signature at branded shoes.

Ipinakita ni Heart sa mga netizens ang kanyang shoe collection kabilang na isa sa mga top favorite niya, ang Louboutin nude heels at habang nagkukuwento siya tungkol sa nasabing sapatos, nabanggit nga niya ang Filipino designer na nanglalait daw lagi sa kanya.

“There is this Filipino designer I’m not going to name, but a lot of my friends would tell me that he would always say bad things about me and he would say ‘Oh she only has one pair,’” sabi ni Heart.

“Fashion is all about having key pieces that will last you forever that you could still use and mix with new and old. Fashion isn’t really about who has the pieces from the latest season or what’s newest,” dagdag niya.

“I really don’t believe in that. I think it’s so nouveau riche. Fashion is made for a lifetime. It’s not just for the season. So when people tell you that ‘luma na yan,’ forget it. To hell with what they say. It’s about how you feel,” kuwento pa niya.

Sa isang interview, nagbigay ng ilang tips ang aktres para sa mga faahionista.

“Fashion is really about being sustainable. Sustainability in terms of the environment and also it is a good balance. There’s always going to be something beautiful, something on trend. You can’t buy everything. You just have to be very smart. It’s really how you put things together and how you carry yourself. That’s the best weapon when it comes to fashion. You may have the same dress, but you carry it differently,” sabi ni Heart.

Char!